P16-M halaga ng marijuana, winasak ng PDEA

UMAABOT sa P16 milyong halaga ng puno ng marijuana at mga buto nito ang winasak ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) matapos salakayin ang isang taniman sa Kibungan, Benguet noong  January 15 hanggang  17, 2013.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nadiskubre ng pinagsamang puwersa ng PDEA Regional Office-Cordillera Autonomous Region (PDEA RO-CAR) sa pamumuno ni Director Ronald Allan Ricardo at Kibungan Police Station ang  marijuana plants habang isinasagawa nila ang tatlong araw na eradication operation sa mga sitio ng Ammalinis at Taba-oa, Barangay Badeo; at Sitio Bakbakan, sa Barangay Poblacion, Kibungan, Benguet.

Ani Cacdac hindi nila nakuha ang cultivator ng taniman pero nakasamsam ang mga awtoridad ng may 8,100 piraso ng fully-grown na marijuana plants; 4,000 piraso ng  marijuana seedlings; 7,750 grams ng marijuana seeds; 117,000 grams ng marijuana stalks; at 2,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana mula sa 10 iba-ibang plantasyon na nasa loob ng may 2,354 square meters na lawak ng taniman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply