P16M jackpot sa lotto sinolo ng seaman

PLANO ng 55-anyos na seaman na magnenegosyo na lamang matapos solong mapanalunan at kubrahin na ang mahigit P16 milyong piso mula sa 6/49 Super Lotto na binola noong Enero 3 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Mula sa P40 na taya, solong naibulsa ng mapalad na mananaya mula sa Valenzuela City ang jackpot price nang masapol ang mga kombinasyong 23-11-25-18-09-03 na kinuha niya mula sa petsa ng kapanganakan ng dalawa niyang anak at asawa.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, nakatakda na talagang mag-retiro sa pagiging seaman ang bagong milyonaryo dahil karamihan sa mga tinatanggap bilang seaman ng shipping companies ay mga kabataan na nagnanais magtrabaho sa barko.

Tiniyak naman ng milyonaryong seaman na magbibigay siya ng donasyon sa simbahan, mamamahagi ng balato sa mga kapatid at maglalaan ng kaukulang halaga sa itatayong negosyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply