P200K halaga ng mga produktong yari sa kahoy, nasabat ng PNP

crime10

LA UNION – Mahigit P200,000 halaga ng wood finish products ang nalambat ng mga miyembro ng Agoo, La Union Philippine National Police (PNP) sa isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi.

Ayon sa inisyal na report, ang mga nasabing finished wood products ay nakalagay sa isang pambasaherong jeep na minamahiho ni Apolinario Biagtas Jr., ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa lokal police ng Agoo, kasalukuyang nagsasagawa sila ng checkpoint sa national highway ng nasabing lalawigan nang parahin ang sasakyan ni Biagtas.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis ay nakita nila ang mga kahoy na nakasalansan sa loob ng nasabing pampasaherong jeep.

Walang maipakitang ligal na papeles ang driver hinggil sa pagbabyahe niya ng mga finish wood products.

Ang mga nakuhang kahoy ay inilagak sa lokal na Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Samantala, ang driver ng jeep ay nahaharap ngayon sa kaukulang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply