P258.14B koleksiyon target ng BIR sa individual taxpayer

BIR-logo

TARGET ng Bureau of Internal Revenue na pataasin ang koleksiyon mula sa individual income tax returns ngayong taon.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Estela V. Sales, layon nilang makakolekta ng P258.14 bilyon mula sa individual taxpayer ngayong 2013 kasabay na rin nang pinaigting nilang kampanya laban sa tax evaders.

Nabatid na ang individual income tax ay kumakatawan sa ikalimang bahagi ng kabuuang  tax collection ng ahensiya.

“The bulk of government’s individual income tax collection comes from salaried individuals whose taxes are automatically withheld by employers while income tax collection from professionals such as doctors and self-employed businessmen pay less than P20,000 annually,” ayon sa deputy commissioner.

Sinabi pa ni Sales, na umaasa silang patuloy na susuportahan ng mga mamamayan ang kampanya ng ahensiya na Run After Tax Evaders at maging vigilant ang bawat isa sa pagrereport ng mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply