P4-M puno ng marijuana, winasak ng PDEA

PDEA

TINATAYANG nasa P4 milyong halaga ng mga puno ng marijuana mula sa 13 plantasyon ang winasak sa tatlong araw na eradication operation na inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa tulong ng Philippine National Police (PNP) sa Benguet.

Ang nasabing plantasyon ay nasa 13 magkakalapit na taniman sa mga sitio ng Ampawan, Saguilip, at Baukok, pawing nasa Barangay Badeo, Kibungan, Benguet,na tinatayang nasa 2,754 square meters ang lawak.

Umaabot sa kabuuang 18,800 piraso ng puno ng marijuana at 7,500 mga buto nito ang binunot ng PDEA.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nasabing taniman aniya’y nadiskubre ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-Cordillera Administrative Region (PDEA RO-CAR) sa pangunguna ni Director Ronald Allan Ricardo at Kapangan Police noong January 24 hanggang 26, 2013.

Agad ding sinunog ang mga binunot halaman sa 13 lugar na pinagkunan nito na tinatayang aabutin sa P4 milyong piso ang halaga bagamat wala naman silang inabutang cultivator ng taniman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply