P40M lotto jackpot solong nasungkit

lotto-outlet

SOLONG napanalunan nang taga-Antipolo Rizal ang mahigit P40 milyon jackpot ng 6/55 Grand Lotto na binola sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City, kagabi.

Nasapol ng nag-iisang mananaya ang lumabas na kombinasyon na tinaya sa isang lotto outlet sa Cogeo, Antipolo, Rizal na 23-16-24-54-21-08 na may katumbas na jackpot prize na P40,940,528.40.

Nananatili namang mailap ang jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto. Walang nakatumbok sa lumabas na kombinasyon  na 12-18-43-19-38-21 na may kabuuan sanang premyo na P48,743,859.60 na binola rin kagabi.

Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II na posibleng umabot na sa halos P50 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto na nakatakdang bolahin bukas, araw ng Sabado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply