P770M inilaan para sa seguridad ng 2013 polls

comelec2

UMAABOT sa P770 milyon ang inilaang pondo ng Commission on Elections (Comelec) para sa seguridad ng 2013 midterm elections.

Ang nasabing halaga ay mapupunta sa preparasyon at implementasyon ng security plans ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bukod dito, sinabi ni Comelec Commissioner Elias Yusoph, na kasama ring paglalaanan ng pondo ang Comelec check points sa mga lugar na deklaradong hot spots.

Malaking bilang din ng mga pulis at military ang idedeploy upang matiyak ang seguridad sa araw ng halalan sa Mayo 13, 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply