Purchasing officer nagoyo sa online

MPD-HeadQ

NAGOYO at natangayan ng tumataginting na P90,000 ang isang purchasing officer mula Baguio City matapos makipag-deal sa online sa Port Area, Maynila.

Nawala rin ang pinapangarap na Honda big bike ng biktimang si Jim Bocano, 28, tubong Baguio City.

Si Bocano ay personal na dumulog ngayon sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section upang ireklamo ang suspek na si Alexander Guevara ng Bangkal, Makati City base sa impormasyon sa sulit.com kung saan naka-deal umano nito online.

Sa salaysay ng biktima, pinaluwas umano siya ng suspek at nagkasundo sila na magkita sa Gate 1 ng Bureau of Custom (BoC) para sa kanilang pinal na transaksiyon ukol sa binibili nitong Honda big bike 4cc.

Nang nagkita ang biktima at suspek ay kinuha umano ng huli ang P90,000 cash ng una at iniwan naman ng huli ang kanyang lisensiya bilang collateral habang kukunin pa ang nasabing big bike.

Gayunman, namuti na ang mga mata ng biktima ay hindi na bumalik ang suspek at nang tawagan nito sa kanyang cellphone ay wala nang sumasagot.

Doon lamang natauhan ang biktima na nagoyo siya ng suspek, dahilan upang maghain ng reklamo sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply