P94-M lotto jackpot kinubra na ng solo winner

lotto-winner

KINUBRA na kanina ng mapalad na dalaga ang mahigit P94 milyong piso jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na solo niyang tinamaan noong Enero 5 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, solong nakuha ng mapalad na mananaya ang kombinasyong 55-28-13-28-41-39 na may katumbas na jackpot prize na P94,226,263.20 matapos tumaya ng halagang P20 sa isang lotto outlet sa Muntinlupa City sa pamamagitan ng lucky pick.

Pagtutuunan ng pansin ng 38-anyos na dalaga mula sa lalawigan ng Laguna na bayaran ang kaukulang halaga sa bangko na pinagsanlaan ng kanilang bahay at lupa.

Babahaginan din niya umano ang kanyang mga kapatid at kaanak at palalaguin ang maliit niyang sari-sari store sa pamamagitan ng paglalagak dito ng malaking puhunan.

Sinabi ni Rojas na hinihintay pa nila ang isa pang mapalad na lotto winner na solo ring nagwagi ng P10,363,059.00 na jackpot prize ng 6/42 lotto na binola noon ding Enero 5 matapos na matunton na tumaya ito sa isang lotto outlet sa Caloocan City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply