Pacers kinalos ang Knicks

pacers

UNA ang Miami Heat, ngayon ang New York Knicks naman ang biniktima ng Indiana Pacers upang ipakita na kaya nilang talunin kahit sino sa Eastern Conference.

Sinamantala ng Pacers ang pagkakasuspinde ni Knick star player Carmelo Anthony upang talunin ang New York, 81-76 kaninang umaga sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

”We want to compete for the one and two (seeds) and for sure want to compete for the No. 1 spot,” saad ni Paul George . ”We probably could be pushing one or two if we would have started off playing the way we’re playing right now.”

Nagrehistro si George ng 24 puntos, 11 rebounds at limang assists upang ilista ng Pacers ang 22-14 win-loss slate ang manatiling nasa tuktok ng Central Division.

Sablay ang unang limang tira ni George subalit nagawa pa rin niyang tumapos ng 10 of 24 sa field kasama ang anim na steals kaya naman nasa pangatlong puwesto na sila sa EC sa likuran ng Heat at Knicks.

”He (George) is just blossoming in front of our eyes with special performance after special performance after special performance,” ani Pacer coach Frank Vogel. ”He’s leading our defense, which is becoming a beast and our guys are embracing that identity.”

Tanging si Ian Mahinni ang sumuporta ng double digits points, (13 pts.) kay George habang si Lance Stephenson ay nag-ambag ng siyam na puntos para ilista na rin ng Indiana ang nine home winning streak.

Umako naman si J.R. Smith ng 25 puntos, anim na assists at tatlong rebounds para sa Knicks na naramdaman ang pagkawala ni Anthony.

”They did what they had to do to secure the win,” sabi ni Knicks coach Mike Woodson.

Samantala, kumapit sa overtime period ang Dallas Mavericks upang kalusin ang Sacramento Kings, 117-12 habang sinilat naman ng Portland Trail Blazers ang defending champion Heat, 92-90.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply