Pacman may senyales ng Parkinson’s disease, pinayuhang magpahinga na sa boksing

pacquiao

PINAYUHAN na ng isang doktor si Pinoy Boxing Champ Manny Paquiao na magpahinga na sa pagboboksing makaraang makitaan ng isang neurologist, ng ilang senyales ng Parkinson’s disease.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) President Dr. Rustico Jimenez, nakitaan niya ng senyales si Pacquiao gaya ng pautal-utal na pagsasalita at panginginig ng kamay.

Ang Parkinson’s disease ay karaniwang sakit ng mga boksingero gaya na lang ng boxing legend na si Muhammad Ali at ang mismong coach ni Pacquiao na si Freddie Roach.

Iginiit din ni Jimenez na magretiro na si Pacman upang hindi na madagdagan ang problema at mauwi sa Alzheimer’s disease.

Nilinaw naman ni Jimenez na posibleng mali siya sa kanyang mga obserbasyon bagama’t iginiit pa rin na dapat na itong mag-ingat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply