Pacman walang Parkinson’s disease – doktor

pac

NILINAW mismo ng doktor ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao na walang sintomas ng Parkinson’s disease ang Pinoy Boxing Champ.

Ayon kay Dr. Regina Bagsic, walang palatandaan na nakararanas ng early stages ng nasabing sakit si Pacman.

Taliwas ito sa sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) President Dr. Rustico Jimenez na nakikitaan na si
Pacman ng ilang senyales ng Parkinson’s gaya ng pautal-utal na pagsasalita at panginginig ng kamay.

Ang nasabing kontrobersiya ay naugnay sa natalong laban ni Pacman kay Juan Miguel Marquez.

Wala na ring plano ang kampo ng mambabatas na sampahan ng kasong libelo si Dr. Jimenez na unang nagpahayag na may sintomas ng Parkinson’s Disease ang Pambansang Kamao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply