Pader sinuwag ng motor; Dalagang sakay, tigbak

crime11

PATAY ang isang dalaga nang suwagin ng kanyang minamanehong motorsiklo ang konkretong pader ng Albay Electric Cooperative (ALECO) kagabi, Miyerkules, Enero 9.

Dead on arrival sa pagamutan sanhi ng kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Ma. Lourdes Achacon, 28, ng Polangui, Albay.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:30 nitong Miyerkules ng gabi sa national road sa bahagi ng Barangay Gabon, Polangui Albay.

Bago ito, nanggaling sa pakikipag-inuman ang biktima sa kabilang barangay at dahil nakainom na ay nagpasyang umuwi sakay ng kanyang motorsiklo.

Pagsapit sa lugar, tinumbok nito ang bangketa bago tuluyang sinalpok ang konkretong poste ng Aleco.

Sa lakas ng pagkakasalpok,  tumilapon ang biktima sa ere bago bumagsak sa kalsada na ulo ang una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply