Padlock sa ballot boxes, thumb mark hindi gagamitin sa 2013 elections

HINDI gagamit ng padlock sa ballot boxes at thumb mark sa botohan sa 2013 midterm elections.

Ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., matapos aprubahan ng komisyon ang mga pagbabago na ipatutupad sa halalan para makatipid sa pondo at maiwasan ang mahabang oras sa pilahan sa mga presinto.

Sa kabila nito, plano ngayon ng  komisyon na magdaos ng bidding para sa kontrata sa mga plastic seals na siyang ipapalit nila sa padlock na ginagamit na pangsara sa ballot boxes.

Ang mga plastic seals na wala sa mga padlock na ginamit sa mga nakalipas na halalan ay lalagyan ng serial numbers.

Limang plastic seals, aniya, ang gagamitin para i-secure ang mga balota na malaking tipid  kumpara sa mahal na padlock.

Aminado naman ang poll chief na parehong madaling i-tamper ang plastic seal at padlock, ngunit ang plastic seal, aniya, ay lalagyan ng serial numbers upang mas madaling matukoy kung napalitan ito.

Hindi na rin, aniya, magpapa-thumbmark ang Comelec bago bigyan ng balota ang mga botante sa presinto at sa halip ay papipirmahin na lamang sila sa voters’ list dahil may biometrics naman na umano ang mga ito ngunit gagamit pa rin ng indelible ink matapos na maihulog ng mga botante ang kanilang balota sa mga PCOS machines.

Inaasahan ni Brillantes na makatutulong ang mga pagbabagong ito para mabawasan ang queuing time ng 20 hanggang 25 porsiyento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply