PAG-AALIS NG “PLASTIC BAG” PAHIRAP SA MAMAMAYAN

hilda-online-logo

KAHIT saan at kailan man ang paggamit ng mga plastic bag kapag tayo ay namimili sa palengke at maging sa supermarket ay tunay na kailangan ang naturang lalagyan.

Simula ng maglabas ng ordinansa tungkol sa pag-aalis ng paggamit ng plastic bag ang Quezon City sa pamumuno ni Mayor Herbert Bautista, samut-saring mga problema ang tuluyang nagsulputan hinggil sa mga bagay na naturan.

Unang naapektuhan ang mga taong naghahanapbuhay na may kinalaman sa paggawa ng plastic, sapagkat sila ay nawalan ng trabaho. Maraming pagawaan ng plastic ang nagbawas ng kanilang empleyado, kung hindi man, ay tuluyan ng nagsipagsara sa kakulangan nila ng mga kostumer na tatangkilik pa sa pagbili ng plastic bag dahil ito nga ay mariin nang ipinagbabawal.

‘Di ba naisip ng mga nagpanukala nito na isang paraan ng livelihood ng mga tao ang pagtatrabaho sa mga gawaan ng plastic? Sana ay pinag-isipan munang mabuti ito bago pa isinakatuparan, upang walang mga taong mahirapan.

Pangalawa, papaano ang mga mamumuhunan o may pagawaan ng plastic? Hindi biro ang halaga ng kanilang ipinuhunan na matagal na rin sa ganitong pagkokomersyo, ano na ang kahahantungan ng kanilang negosyo, at pinaghirapan?

Maging ang mga may tindahan ay humina rin sa kanilang negosyo sapagka’t imbes na bumili ang mga mamimili, kapag naisip nila na wala silang bag na dala upang paglagyan ng bibilhing bote tulad ng suka, toyo, patis na ilalagay naman sa supot na papel ng mga tindahan na kanilang bibilhan ay nawawalan sila ng gana sapagkat madaling mabutas ang supot na papel, na magiging dahilan upang lumusot at matapon ang kanilang mga pinamili.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply