Pag-abolish sa PCGG, hindi pa napag-uusapan

pcgg

HINDI  pa napag-uusapan sa cabinet meeting ang rekomendasyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na i-abolish na ang kanilang tanggapan.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na  lumang isyu na ang nasabing rekomendasyon dahil lumabas na ito sa  January  2011 report ng PCGG.

Aniya, bagama’t nangangailangan ng legislative action ang pag-abolish sa PCGG ay tuloy pa rin ang gagawing paghabol ng pamahalaan sa mga nakaw na yaman ng mga Marcoses.

Sinasabing mapupunta sa Department of Finance (DoF) ang assets ng ahensiya habang sasaluhin naman ng Department of Justice (DoJ) ang paghawak sa mga kaso.

“Well, basically, what any inheritor of […] will be that is to do (an) audit of the cases, an inventory of the cases. So titingnan doon kung at what stage that is right now. You must remember that the quality of the cases depended largely on the predecessor of Chairman Bautista. And you see, in particular this Chairman of the PCGG, the incumbent chairman has been vigilant in pursuing the ill-gotten wealth cases. The notable one is the recent case against Vilma Bautista in New York. So we see there’s a determination in his effort.
But also a recognition that at some point, these cases may have to be transferred to the DOJ. I’m sure that the DOJ will be more than prepared to handle these cases. Again, but that is subject to the discussions with the President, and the findings of the OP,” ani Sec. Lacierda.

Subalit, sinabi ni Sec. Lacierda na desisyon pa rin ni Pangulong Aquino ang masusunod sa aspetong ito.

Todo-depensa din ang Malakanyang sa pagsasabing kaya ia-abolish ang PCGG dahil hindi ito naging epektibo sa tungkulin.

Imposible aniya iyon dahil  marami namang na-recover na ill-gotten wealth ang nasabing ahensiya bukod pa sa mga naisampang kaso.

Sa kabilang dako, tikom naman ang bibig ng Malakanyang sa usaping panunumbalik sa pwesto ng mga Marcos kung kaya’t mahirap nang habulin ang mga nakaw na yaman ng mga ito.

Si dating Pangulong Corazon Aquino, ina ni Pangulong Noynoy ang nagtatag ng  naturang ahensiya makaraan ang diktaduryang Marcos na naatasang habulin ang mga nakaw na yaman ng Marcoses.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply