Pag-alis sa USS Guardian sa Tubbataha pinabibilisan

INATASAN na ni Transportation and Communications Secretary Jun Abaya ang Philippine Coast Guard (PCG) na makipag-ugnayan sa US Navy at Philippine Navy para mapabilis na maalis ang sumasad na US Navy minesweeper USS Guardian sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea para maiwasang lumala ang pagkasira ng naturang nature site.

Inihayag naman ni US Commander Admiral Thomas Carney na gagamit ang USNS Salvor ng crane para buhatin ang sumadsad na barko upang maiwasan ang mas malaking pinsala sa corals.

Naiulat na abot sa isang libong metro kuwadradong corals ang nasira dahil sa insidente.

Wala namang nakita ang Inspection Team na pagtagas ng langis mula sa barko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply