Pag-asiste sa sumadsad na US Navy ship, patuloy

uss-guardian-1

PATULOY pa rin ang isinasagawang pag-asiste ng Phil. Navy sa sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha reef sa Palawan.

Ayon sa Phil. Navy, tatlong gun boat na ang kanilang ipinadala upang tumulong na maalis ang navy vessel.

Hindi pa rin batid ang lawak ng pinsala na idinulot ng aksidente na lalo pa umanong lumala partikular sa mga coral reef.

Inihayag naman ng US Navy na kanila nang inaalam ang mas epektibong pamamaraan para maalis ang sumasadsad na minesweeper na USS Guardian.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply