Pag-iimprenta ng 52M balota, tiniyak na

comelec-3

TINIYAK ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., na handang-handa na sila sa gagawing pag-iimprenta ng mahigit 52 milyong balota na gagamitin sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Brillantes, kasalukuyan nang nasa National Printing Office (NPO) ang mga ballot papers na kanilang gagamitin.

Aniya pa, nagsasagawa na rin ng test runs ang NPO upang matiyak na wala na silang magiging problema pa bago ang opisyal na pag-iimprenta ng balota sa Pebrero 4, Lunes.

Nabatid na may 52,014,000 official ballots ang kinakailangang maiimprenta o isang balota kada botante lamang.

“We are ready to start printing. The ballot papers are there [at the NPO] already. The printers are also there and are undergoing test runs right now so that there will be no more problems by next week,” ayon kay Brillantes.

Inaasahang aabot sa 50-araw ang pag-i-imprenta ng mga balota dahil kaya lamang umanong mag-imprenta ng bawat printer ng isang milyong balota kada araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply