Pag-unlad ng coconut industry ipinagmalaki ni PNoy

coconut

IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno Aquino III ang patuloy na pag-unlad ng industriya ng pagniniyog sa bansa.

Ipinakilala ni Pangulong Aquino sa publiko ang mayaman na kultura at natural resources ng Mindanao na naging pangunahing dahilan sa umuunlad na industriya.

Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na kabilang sa mga bansang nag-e-export ng  mga produkto nating gawa sa “coconut” ay ang Japan, China, Germany at America.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga estudyante sa ginanap na forum sa Zamboanga City na pagyamanin ang industriya ng niyog partikular ang coco juice na in-demand ngayon sa ibang bansa.

Ang forum na may temang “Schools Serving Society: Top Level Action Agenda of Higher Education Institutions for Mindanao Peace and Development” ay dinaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply