Pagbaba ng nagugutom hindi dahil sa CCT – Kadamay

squatters

NAGSISINUNGALING umano ang Malacañang sa pahayag nitong dahil sa conditional cash transfer (CCT) program ng gubyernong Aquino ang naitalang pagbaba ng bilang ng mga nagugutom na Pilipino sa huling kwarto ng taong 2012.

Ito ang pahayag ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) matapos ilabas ng Business World ang isang survey ng Social Weather Station (SWS) higgil sa kagutumang dinaranas ng mga Pilipino.

“Ang CCT mula pa sa panahon ni Arroyo ay walang nagawa upang iangat ang kabuhayan ng milyun-milyong maralitang Pilipino,” ayon kay Gloria Arellano, Kadamay national chair.

Sinimulan ang CCT ni Arroyo noong 2008 gamit ang pondo ng taumbayan na halagang P10 bilyon. Para sa taong 2013, lumobo ang budget ng CCT patungong P44.2 bilyon.

Dagdag ni Arellano, ang overall hunger rate sa huling kwarto ng 2012, kagaya sa nakaraang mga taon simula ng ipatupad ang CCT, ay nanatiling mas mataas pa rin sa average hunger incidence sa huling 14 na taon. Mas guminhawa pa umano ang buhay ng maralita kung matagal ng itinigil ng gubyerno ang paggastos sa CCT at at inilaan ang bilyun-bilyong pondo nito sa paglikha ng trabaho at paghahatid ng serbisyong panlipunan sa mga mamamayan.

“Nagpapakita lang ito na hindi talaga epektibo ang CCT ni Aquino na naging isang malalim balon ng korapsyon. Hindi nito ihahatid ang milyun-milyong maralitang Pilipino sa tuwid na daang ipinagmamalaki ng pangulo,” ani Arellano.

Ayon sa bagong labas na SWS survey, 3.3 milyong Pilpino ang dumanas ng kagutuman sa huling kwarto ng taong 2012 o 16.3% ng mga mga Pilipino. Mas mataas ito sa 14-year average na 14.5%, bagamat mas mababa sa 21% na naitala noong Marso 2012.

“Dapat mabatid ng Malacanang na saklaw ng huling kwarto ng taon ang pinakamahabang holiday sa buong mundo kung kailan gumagastos ng malaki ang mga Pilipino sa simula pa lang ng buwan ng Nobyembre,” ani Arellano na umano’y posibleng nasa likod ng pagbaba ng naibalitang pagbaba ng nagugutom.

Samantala, kinondena rin ng Kadamay ang ginawang pagdepensa ng Malacanang sa P10.5 milyon mula sa CCT fund na gagastusin para sa anti-epal campaign ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siya ring nagpapatupad ng mga kontra-kahirapang programa ng gubyerno.

“Liban sa pagbili noong nakaraang taon ng mamahaling Samsung Galaxy smartphones sa halagang P342,000 at mga planner sa halagang P428,750, kailangang ipaliwanag ng DSWD na mahusay sa mga maralitang Pilipino kung paanong ang isang anti-epal political ad ay makapagpaangat sa kanila sa kahirapan. Puros kabulastagan lang ang anti-poverty program ng administrasyong Aquino!” ani Arellano.

Sa taong 2012, nagkakahalagang P3.77 bilyong piso mula sa pondo ng DSWD ang hindi pa naipapaliwanag ng ahensya kung saan napunta

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply