Pagbabawal sa paggamit ng sky lantern, inirekomenda ng BFP

sky-lantern

IREREKOMENDA na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tuluyang pagbabawal sa paggamit ng Sky Lantern dahil sa nagiging dahilan ito ng mga insidente ng sunog partikular sa Kamaynilaan.

Ayon kay Senior Supt. Bobby  Baruelo, Quezon City Fire Marshal, dahil sa sunod-sunod na insidente ng sunog partikular sa Quezon City nais irekomenda ng BFP ang tuluyang  pagbabawal sa papggamit ng sky lantern.

Nauna rito, pito ang nasawi sa sunog na naganap sa Brgy. Bungad, Quezon City nitong December 24, 2012 ng madaling araw sanhi ng pagpapalipad ng sky lantern.

Habang ang naganap na sunog sa Brgy. Batasan, QC na tumupok sa 15 kabayan nitong bagong taon ay dahil  din sa sky lantern.

Iginiit ng Bureau of Fire Protection na ang pagpapalipad ng Sky Lantern ang maaaring  pinamulan ng dalawang magkasunod na trahedya nitong nakalipas na Pasko at Bagong Taon.

Sinabi pa ng BFP na ilan insidente din ng mga nasugatan nitong pagsalubong ng bagong taon ay  sanhi ng paggamit ng paputok o tinamaan ng mga depektibong paputok at ligaw na bala.

Nanawagan ang BFP sa mga local government units at mga Barangay officials na tulungan ang BFP sa kampanya nito na ipagbawal na ang paggamit ng sky lantern.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply