Pagbaha ng smuggled cigarette sa bansa pinangangambahan

smuggled-cigarette

NABABAHALA si San Fabian Sangguniang Bayan member Saturnino Destor, presidente ng Philipine Tobacco Growers Association (PTGA) sa posibleng paglaganap ng mga smuggled cigarette sa bansa kasunod ng pagpapatupad ng Sin Tax Law.

Ayon kay Destor, posibleng lumipat ang mga negosyante sa mga smuggled na sigarilyo dahil mas mura ang mga ito.

Sinabi ni Destor na dismayado ang mga tabacco grower sa pagpapatupad ng naturang batas.

Ikinalulungkot aniya ng mga tobacco grower na hindi pinakinggan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanilang hinaing.

Ani Destor, mababawasan na ngayon ang kita ng kanilang mga kababayan lalo’t marami sa kanila ang nakapagtanim na rin ng tabako kaya hindi nila alam ang magiging epekto ng naturang batas sa bentahan ng tabako.

Giit ni Destor, na lubhang maapektuhan din ang mga cigarette trader dahil magmamahal na ang presyo ng sigarilyo.

Ang mga naninigarilyo naman aniya ay gagawa ng paraan upang makabili ng mas murang sigarilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply