Pagbaha sa Mindanao dahil sa climate change

flood

IGINIIT ng isang arsobispo na ang mga nararanasang madalas na pag-ulan at pagbaha sa rehiyon ng Mindanao ay dulot ng climate change.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, kitang-kita na sa Mindanao ang epekto ng climate change na lalo pa aniyang lumalala dahil sa kapabayaan at paglapastangan ng mga tao sa kalikasan tulad ng illegal logging at malawakang pagmimina.

Sinabi ng arsobispo na  maiiwasan sana ang mga pagbaha sa Davao del Norte, Compostella Valley, Davao del Sur, Tandag, Butuan, Davao Oriental, Cagayan de Oro at iba pang lugar, kung mayroong mga punongkahoy sa mga kagubatan at hindi nakakalbo ang mga bundok bunsod ng pagmimina.

Kasabay nito, tiniyak ni Ledesma  na tutulong ang Simbahang Katoliko sa mga residente na apektado ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Bukod sa goods at services, nagpadala rin ang iba’t-ibang Diocese ng psychological counseling teams para magbigay ng pag-asa sa mga nasalanta ng kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply