Pagbasa ng sakdal kay Coco Rasuman, naudlot

jachob-coco-rasuman

HINDI natuloy ang pagbasa ng sakdal ng korte sa Cagayan de Oro City sa founder ng Auto Nad 21 Trading na si Jachob ”Coco” Rasuman.

Ito ay makaraang paboran ni Cagayan de Oro City Regional Trial Court Branch 23 Presiding Judge Vincent Rosales ang inihaing motion to quash ng kampo ni Rasuman na unang naisampa ng mga abogado ng respondent noong nakaraang linggo.

Muli naman itong itinakda sa Pebrero 8.

Sa pagkakaantala ng arraignment ng respondent ngayong araw ay labis na nadismaya ang Department of Justice (DOJ) panel of prosecutor na pinangungunahan ni Sr. State Prosecutor Edna Valenzuela.

Ayon kay Valenzuela, magpupulong ang panel upang talakayin ang susunod na hakbang

Nilinaw naman ng isa sa mga abogado ni Rasuman na si Atty Jose Pallugna na hindi nila pinatatagal ang usad ng kaso kundi bahagi anila ng proseso ang kanilang mosyon.

Magugunitang si Rasuman ay nahaharap sa maraming kasong syndicated estafa dahil sa akusasyon na nilustay umano nito ang multi-billion peso investment capital mula sa Hilagang Mindanao at ibang bahagi ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply