Pagbasura sa kandidatura ni Jalosjos, iniapela sa SC

romeo-jalosjos

NAGPASAKLOLO na si dating Congressman Romeo Jalosjos sa Korte Suprema upang baligtarin ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) En Banc na nagbasura sa kanyang certificate of candidacy upang makatakbong alkalde sa Zamboanga City sa halalan sa Mayo 2013.

Ang pagbasura ng Comelec sa kandidatura ng dating kongresista ay bunsod nang naging conviction sa kaso ng panghahalay kung saan siya ay pinatawan din ng “perpetual disqualification for holding public office.”

Sa pamamagitan nina Atty. Romulo Macalintal at Carlo Vistan ay isinumite sa Supreme Court kahapon ang 60-pahinang petition for certiorari ng dating kongresista.

Hinihiling ng kampo ni Jalosjos na baligtarin ng SC ang Comelec resolution dahil sa pagkakaroon ng grave abuse of discretion at ang kawalan ng due process.

“The resolution was issued motu propio or on its own by the Comelec En Banc without any notice and hearing and without having first referred the case to a Division as required by the constitution and previous decisions of the Supreme Court.  If COCs of nuisance candidates cannot be cancelled or denied due course without giving the nuisance candidates the chance to be heard, there is no reason why the same due process or hearing cannot be accorded Jalosjos,” ayon kay Macalintal.

Inilahad rin sa petisyon ang kaso ng mga nuisance candidates na pinatawag muna sa pagdinig ng Comelec bago kanselahin ang kanilang mga COCs.

Kabilang sa mga sinasabing pampagulong kandidato na ibinasura ng Comelec ay isang Daniel Magtira na naghain ng COC bilang senador at nagpakilala ring mister ni Kris Aquino.

Napag-alaman na sa nakalipas na 11 taon, ay walang patlang ang paghahain ng COC para sa iba’t ibang posisyon ni Magtira.

Maliban dito, ginamit ding batayan ng kampo ni Jalosjos sa paghahain ng petisyon sa SC ay ang nilalaman ng Section 4, Rule 24 ng Comelec Rules na nagkakaloob ng pagkakataon sa mga ‘nuisance candidate’ na marinig ang kanilang mga panig bago kanselahin ang COCs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply