Pagbibitiw ng 2 obispo, tinanggap ng Santo Papa

DALAWANG Obispo ng Simbahang Katoliko ang nagbitiw sa pwesto, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon sa media office ng CBCP, ipinabatid na rin sa kanila ni Archbishop Giuseppe Pinto, Apostolic Nuncio ng Vatican sa Pilipinas, na tinanggap na ni Pope Benedict XVI ang resignasyon nina Caloocan Bishop Deogracias Iñiquez at ni San Pablo, Laguna Bishop Leo Drona.

Nabatid na parehong nagdesisyon ang dalawang Obispo na magbitiw sa pwesto ng mas maaga sa retirement age ng mga bishops na 75 taong gulang.

Si Iñiguez ay 72-anyos pa lamang habang si Drona naman ay 71-taong gulang.

Sinabi naman ng CBCP na ang pagbibitiw ng maaga sa pwesto ng dalawa ay salig sa Canon 401, paragraph 2 ng Code of Canon Law na nagsasaad na ang isang diocesan bishop na hindi na kaya pang manungkulan dahil sa karamdaman o iba pang kadahilanan ay maaaring maghain ng kanilang resignasyon.

Si Iñiguez ang naging Obispo ng Caloocan Diocese simula nang maitatag ito noon pang Agosto 2003.

Isa siya sa mga kilalang Obispo sa bansa dahil madalas itong mahingian ng opinyon sa ilang social issues, bilang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs.

Samantala, si Drona naman ang ikatlong Obispo ng San Pablo at naitalaga sa naturang pwesto noong Mayo 14, 2004.

Papalitan siya sa pwesto ni Bishop Buenaventura Famadico ng Diocese of Gumaca sa Quezon Province.


Leave a Reply

*
sana naman wag niyang maisipan idi=display ang erm...
75 yrs old, tinitelagan pa ba yun? lol!...
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.