Pagbili at paggamit ng mga bata ng paputok, pinag-aaralang i-ban ng DOH

doh-enrique-ona

PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) na i-ban sa mga kabataan ang pagbili at paggamit ng paputok.

Ito’y dahil karamihan sa mga nabibiktima ng paputok ay mga kabataan.

Aminado si Health Secretary Enrique Ona na kahit pa man aktibo ang kampanya ng pamahalaan kontra sa paputok ay marami pa rin ang nabibiktima nito at ang nakalulungkot ay mga bata pa ang siyang kadalasang napuputulan ng daliri, kamay o maging mga paa.

Kaugnay nito, nakatakda umano nitong ipanukala sa stakeholders’ meeting kasama dito ang PNP at BFP ang planong ipagbawal na sa mga kabataan ang paggamit ng paputok.

“Our ambition is really hopefully completely reduce firecracker-related injuries or make it zero. The idea is really an amendment to the law…I am certainly leaning to a stricter amendment to the previous law, making it more strict on who would be allowed to buy and set off these firecrackers,” pahayag ni Ona.

Sa talaan ng DoH ay nasa 413 ang naitalang biktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon kung saan nasa 200 umano sa nasabing bilang ay mga bata na bumili ng murang paputok kabilang na dito ang piccolo na P15 ang halaga bawat kahon.

Sinabi ni Ona na sa dami ng nabibiktima ng paputok kada taon at kaso ng stray bullet kabilang na dito ang 7-anyos na batang babae na kritikal matapos na matamaan ng ligaw na bala ay may malaking pangangailangan na, na baguhin ng Pilipinas ang kultura nito sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“Maybe it is time we very seriously consider a culture change on the way we celebrate our new year. Noise is what we want to create. We want to drive away the evils and the bad luck of the past year.  There are other ways to celebrate the new year with some noise but without these horrible firecrackers that have resulted in major injuries,” pagtatapos pa ni Ona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply