Pagbuwag sa PCGG, pag-aaralan pa

sec-edwin-lacierda

INATASAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Office of the President na pag-aralan pa nang mabuti ang mungkahing pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Kinumpirma ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na isang pulong ang idinaos hinggil sa naturang plano para matiyak ang pangangailangan sa pagbuwag sa naturang ahensya.

Gayunman, sinabi ni Lacierda na ipagpapatuloy ng gobyerno ang paghahabol sa umano’y nakaw na yaman ng pamilya ng mga Marcos kahit pa irekomenda ni Ginoong Aquino na buwagin na ang PCGG.

Tiniyak din ng tagapagsalita ng Pangulo na magpapatuloy ang mga kaso na may kaugnayan sa Marcos ill-gotten wealth kahit na may 30 taon na ang nakalilipas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply