Pagdami ng petisyon vs RH Law, ikinatuwa ng Obispo

bishop-bastes

IKINAGALAK ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang pagdami ng mga petisyong inihahain ng mga layko o lay people sa Korte Suprema laban sa implementasyon ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Law.

Ayon kay Bastes, ang mga naturang petisyon ay isang magandang development.

Kaugnay nito, nanindigan din ang arsobispo na immoral, unconstitutional at illegal ang RH law dahil papatay ito sa mga sanggol na nasa sinapupunan pa lamang.

Sinabi ng arsobispo na kitang-kita na ang pagkontrol sa populasyon ng mga Pinoy ang pangunahing layunin ng batas na ito na malinaw na isang paglabag sa 1987 Constitution.

Iginiit pa ni Bastes na hindi ‘economic animals’ ang mga Filipino para ipatupad sa Pilipinas ang RH law.

Paliwanag niya, maging ang mga Filipino na hindi Kristiyano ay may isyung moral din na pinangangalagaan gaya ng pagpapahalaga sa buhay kaya labag din sa kanilang kalooban ang RH law.

Matatandaang sa ngayon ay dalawang petisyon na laban sa RH law ang nakahain sa Korte Suprema, na isinampa ng mag-asawang James at Lovely Ann Imbong at ng grupong Alliance for the Family Foundation Philippines Incorporated.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply