Pagdaragdag ng consular offices malaking tulong sa OFWs

TINUTUTUKAN na ngayon ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang pagdaragdag ng consular offices.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, isa sa mga tinutulak nila ngayon ay ang pagdaragdag ng mga consular office sa mga bansa kung saan maraming OFWs gaya ng United Arab Emirates (UAE), Saudi Arabia at iba
pa sa Middle East.

Dagdag pa ni Trillanes, kulang din sa sapat na kaalaman ang mga OFW sa trabaho at bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Samantala, nanawagan si Trillanes sa gobyerno na dagdagan ang pondo para mga OFW dahil malaki ang naitutulong ng mga ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply