Pagdidisenyo ng balota para sa halalan 2013, ipinagpaliban ng Comelec

brillantes

IPINAGPALIBAN ng Commission on Elections ang nakatakdang pagsasagawa ng configuration ng mga balota at Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines para sa May 13 midterm elections.

Nabatid na sa halip na sa Enero 11, ay isasagawa na lamang ang configuration, o pagdidisenyo ng mga balota sa Enero 15.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., layunin nito na hintayin ang posibleng desisyon na ipalalabas ng Korte Suprema hinggil sa mga disqualification cases na kinakaharap ng ilang party-list groups na nais lumahok sa halalan.

Nabatid na ngayong araw sana nakatakda ang configuration ngunit dahil sa pahayag ng mataas na hukuman na posible itong magpalabas ng desisyon sa mga petisyon ng mga diniskuwalipikang party-list groups sa Enero 22, ay nagpasya ang Comelec na ipagpaliban na lamang ang ballot at PCOS configuration.

Nais sana ni Brillantes na mas matagal pa ang ekstensiyon sa configuration o lampas ng Enero 22, ngunit ayon sa information technology department ng poll body, hanggang Enero 15 lamang ang pinakamatagal na petsa na maaari silang maghintay sa desisyon ng Korte Suprema.

“The Supreme Court came out with a resolution that they’re going to meet on January 22. Sabi ko, tingnan niyo kung kaya natin antayin ‘yun… Gusto ko sana i-extend beyond the 22 so that we can settle the party lists,” anang poll chief.

“That will not help us any, not too much. That’s a four-day (extension). Sabi ko, sige, kung ‘yun ang maximum, wala tayong magagawa,” aniya pa.

Sa ilalim ng automated election system, ang mga pangalan ng mga kandidato sa eleksiyon ay kailangang nakaimprenta sa mga balota kaya’t kailangang hintayin ng Comelec ang desisyon ng Korte Suprema kung papayagan ba o hinding lumahok sa eleksiyon ang mga umaapelang paryt-list groups.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply