Pagdinig ng Kamara inisnab ng PAGCOR

PAGPAPALIWANAGIN ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang Department of Justice kung bakit inilaglag sa kasong isinampa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang mga anak ni dating PAGCOR Chairman Efraim Genuino.

Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Iloilo Rep. Gerry Treñas, kinumpirma ng Commission on Audit (COA) na tinanggal sa kaso ang mga anak ni Genuino na sina Erwin, Anthony at Sherry Genuino-Sy sa mga kasong malversation of funds at violation of Anti-graft and Corrupt Practices Act.

Batay sa kasong inihain ng PAGCOR sa DOJ, ang mga anak ni Genuino ang nasa likod ng produksyon ng pelikulang Baler at Batang Iwas Droga at BIDA Partylist  na sinasabing gumamit sa pondo ng PAGCOR at ng 26 na iba pang opisyal nito sa halagang P26.7 milyon.

Dahil sa walang dumalo na opisyal o kinatawan mula sa DOJ at PAGCOR ay na-reset ang pagdinig sa Martes, February 5, 9:30 ng umaga.

Iginiit ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na dapat magpaliwanag dito ang DOJ maging ang PAGCOR gayung kitang-kita naman aniya kung sino-sino ang nakinabang sa pondo.

Sa resolusyong inihain ng DOJ ay kasama at nangunguna sa mga respondent si Genuino sa mga kasong Malversation at Plunder.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply