Pagdinig sa plunder case ni GMA ipinagpaliban

gma-4

IPINAGPALIBAN ng Sandiganbayan 4th Division ang pagdinig sa kasong plunder na kinakaharap ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at iba pa kaugnay sa naudlot na NBN-ZTE deal.

Nagpasya ang mga mahistrado na resolbahin muna ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni dating First Gentleman Mike Arroyo kaugnay sa hurisdiksyon sa isinampang kaso.

Dahil dito, itinakda na lang sa March 6-7 ang pagdinig sa kaso hanggang sa tuluyang maresolba sa loob ng 60 araw ang mosyon.

Una nang naghain ng motion to quash ang kampo ng dating Unang Ginoo dahil sa hindi naman daw nangyari sa Pilipinas ang pag-uusap sa kasunduan.

Inamin din daw ito ng hanay ng prosekusyon sa inihaing kaso laban sa mga akusado na sa Boao, China nangyari ang broadband deal.

Sa Biyernes naman nakatakdang talakayin ng Sandiganbayan ang mosyong inihain ng dating FG.

Samantala, dumalo rin kanina sa pagdinig si NBN ZTE Deal whistleblower Jun Lozada na unang testigo sana na isasalang ng prosekusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply