Paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho bawal sa Caloocan

texting-while-driving

MAHIGPIT nang ipatutupad sa mga motorista ang pagbabawal sa paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho sa Lungsod ng Caloocan na kadalasang nagiging dahilan sa pagkakaroon ng aksidente sa kalsada.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, binabalewala ng mga motorista ang ordinansa ng Sangguniang Panglungsod na tinaguriang “An ordinance

prohibiting the use of mobile phone while driving” kaya’t marami pa ring motorista ang naaksidente sa pagmamaneho.

Aniya, huhulihin na ng mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ang mga driver na gagamit ng kanilang mobile phone habang nagmamaneho.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga motoristang mapapagawi sa Caloocan City na huwag nang gumamit ng kanilang mobile phone habang nagmamaneho upang maiwasan ng mga ito ang maabala.

Base sa record ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), kabilang ang paggamit ng mobile phone sa mga nangungunang dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente sa kalsada.

Bukod sa paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho ay kasama rin sa pangunahing dahilan ng mga nangyayaring aksidente sa mga lansangan ang overtaking, over-speeding, mechanical defects at road conditions.

Matatandaan din na ang paggamit ng mobile phone ang itinuturong dahilan ng aksidenteng naganap sa kahabaan ng Efipanio Delos Santos Avenue (EDSA) ilang taon na rin ang nakalilipas na nagresulta sa pagkasugat ng pitong pasahero ng isang pampasaherong bus bukod pa sa iba’t-ibang sakuna hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsiya.

Sinabi pa ni Echiverri, sakaling susunod ang mga motorista sa batas na ipinatutupad ay maiiwasan ang pagkakaroon ng aksidente sa kalsada na kadalasan pa ay nagiging dahilan ng kamatayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply