Paghahabol sa Marcos ill-gotten wealth tuloy

rep-neri-colmenares

HAHARANGIN ng Bayan Muna Partylist ang anumang resolusyon na magsusulong na abandonahin na ang pagbawi sa diumano’y mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos o ang pagbuwag sa Philippine Commission on Good Government.

Giit pa ni Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares na hindi titigil ang naturang partido hangga’t hindi nababawi ang ill-gotten wealth.

“Hahabulin pa din namin ang mga Marcosan anuman ang mangyari. Dapat ibalik ang nakaw na yaman sa mamamayan. Dapat i-prosecute ang mga PCGG officials and prosecutors na nagpahina o nagpatalo ng mga kaso,” ayon kay Colmenares.

Kasunod ito ng paghinto ng PCGG sa paghahabol sa Marcos ill-gotten wealth kasunod ng napipintong abolisyon dito.

Ayon kay Colmenares, mawawalan ng saysay ang ilang taon na paghahanap sa mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos kung isusuko na lamang ito.

Dapat umanong ituloy ng PCGG ang paghahabol sa mga Marcoses lalo na’t ito na lamang ang maibibigay na tulong sa mga biktima ng Marcos.

“Ang leksyon na matututunan kung ihihinto ang paghanap ng Marcos’ wealth is crime pays and if you steal big you can get away with it,” sinabi pa ni Colmenares.

Samantala, pinagbibitiw naman ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio si PCGG Chairman Andres Bautista dahil sa diumano’y kawalan nito ng inisyatibo na habulin ang mga nakaw na yaman mula sa mga Marcos.

Nanawagan din si Tinio kay Pangulong Aquino na tapusin ang anumang nasimulan ukol sa paghahabol sa mga nakaw na yaman na sinimulan ng kaniyang ina na si dating pangulong Corazon Aquino noong 1986.

“What necessary is political will and commitment from PNoy himself – similar to what we saw in the Corona Impeachment. In this case, the stakes are much higher-recovery the Marcos ill-gotten wealth, justice for the Filipino people, and setting the  historical record straight,” ani Tinio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply