Pagiging No. 1 ng ‘Sisterakas’ sa 2012 MMFF, opisyal na

sisterakas

OPISYAL na ngayon ang pagiging number one (No. 1) ng “Sisterakas” ng Star Cinema sa takilya sa walong pelikula na kalahok sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay base sa pinakahuling box-office result na inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang official Twitter kahapon (Enero 10).

Tumabo ng P342 million ang Sisterakas na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas, sa loob ng 15 araw (December 25, 2012 – January 8, 2013).

Inaasahang tataas pa ito dahil palabas pa rin sa mga sinehan ang naturang pelikula.

Hawak na rin ng Sisterakas ang titulong “highest-grossing Filipino movie of all time.”

Nalagpasan na nito ang “Praybeyt Benjamin” na pinagbidahan din ni Vice Ganda na tumabo noon ng P320 million kita sa loob ng 20 days noong 2011.

2012 MMFF Top 4:

Sisterakas – P342 million
One More Try – P170.5 million
Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako – P133.5 million
Shake Rattle & Roll 14 – P45.3 million

Samantala, hindi pa inilalabas ng MMDA ang kinita ng apat pang pelikula na kasali sa MMFF.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply