Pagkakatalaga kay Akbayan Rep. Bag-Ao sa Dinagat Island, may kinalaman sa impeachment ni ex-CJ Corona

rep.-kaka-bag-ao

AMINADO si Akbayan Rep. Arlene “Kaka” Bag-Ao na nakatulong sa pagkaka-impeach ni dating SC Chief Justice Renato Corona para mapadali ang pagrelease ng P140 million na pork barrel para sa Dinagat Island na isa siya sa mga naging prosecutors.

Si Bag-Ao ay tumatayo ngayong caretaker ng probinsya ng Dinagat Island matapos masipa sa kamara ang nagtatago ngayong wanted na si Rep. Ruben Ecleo Jr.

Sinabi ni Bag-Ao,  na bagamat isa ito sa naging dahilan, mas nakatulong  ang mabilis na pagta-trabaho ng kanyang mga nasasakupan para agad itong maaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Binatikos si Bag-Ao sa pagiging malapit sa Aquino administration kaya napabilis ang parelease sa kanyang pork barrel gayung mayroon walo pang distrito ang hindi pa nabibigyan ng pondo.

Kasabay nito, dumipensa naman si Bag-Ao sa bumabatikos sa kanyang pagkakatalaga bilang caretaker ng Dinagat Island.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply