Pagkamatay ng lolo palaisipan sa QC police

crimedeath

PALAISIPAN pa sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang lolo matapos matagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kaninang umaga Enero 20, 2013 (Linggo).

Kinilala ang biktima na si Jesus Evangelista, 65, biyudo ng Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth, QC.

Ayon kay SPO4 Jun Mortel ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay sa Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth, QC dakong 6:00 ng umaga kanina.

Sinabi sa ulat na natagpuan ang bangkay ng biktima ng sarili nitong apo na si Norilyn Balamonte habang nakahandusay sa loob ng kanilang bahay.

Agad naman ipinagbigay alam ng apo ng biktima sa kanilang mga kaanak ang pangyayari.

Hinihinala ng mga awtoridad na maaaring inatake sa puso ang biktima dahilan para ito masawi.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid ang dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply