Pagkatapos ni ‘Auring’: Bagong bagyo papasok naman

Remate-website-pix-guide

KAKAPASOK pa lamang ng kauna-unahang bagyo sa Philippine area of responsibility na si Auring, isa na namang namumuong sama ng panahon ang namataan at inaasahang makakapasok sa bansa sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Jori Loiz sa isang panayam sa radyo.

“Actually, ang bagyong inaasahan natin ay pinakamarami na ang isa para sa January. Pero sa ngayon, parang masisira yata iyon dahil sa mga next week ay may kasunod na itong bagyo na ito. May nakikita po kaming isa pang cloudiness na pupwede ring maging LPA.”

Samantala, bagama’t naging ganap nang bagyo, inaasahang lalabas ng PAR bukas si “Auring” at inaasahang dadaan pa sa katimugang bahagi ng Palawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply