Pagkopo ni Del Rosario sa NDRRMC naudlot

eduardo-del-rosario

NAUNSIYAMI ang pagkakasungkit sana ni retired General Eduardo del Rosario sa posisyong iiwan ni National Disaster Risk Reduction Management Council executive director Benito Ramos epektibo Pebrero 1.

Ito’y dahil sa umiiral na appointment ban dahil sa nalalapit na eleksyon sa bansa.

“My understanding is yes. So baka OIC lang po muna siya (del Rosario) but I will double check with them when the exact date of the ban is,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Tugon ito ng Malakanyang sa tila nagmamagaling na si Defense Sec. Voltaire Gazmin na inunahan pa si Pangulong Benigno Aquino sa desisyon na si del Rosario na nga ang kapalit ni Ramos.

Nagkataon lang ang sunod-sunod na pagbibitiw sa puwesto ng mga high-ranking officials.

Ito ang sinabi ni Usec. Valte matapos magkakasunod na nagbitiw sa posisyon sina NDRRMC (executive director) Benito Ramos, DTI Undersecretary (Cristino Panlilio), at the PhilHealth CEO (Eduardo Banzon).

“You know there are times that people need to move on and need to change different career paths. In the case of Usec. Ramos, he has signified his intent to leave the service in order to attend to his wife,” aniya pa rin sabay sabing “I think nagkakataon lang naman din ‘yan. In the case of Usec. Ramos kasi, tatlong beses na siyang nagpapaalam if he can relinquish the post and turn it over to somebody else. Sa pangatlong beses lang po siya napagbigyan.”

Ipinaliwanag ni Usec. Valte  na “first time” na nagparamdam si Dr. Banzon ng kanyang pagbibitiw sa puwesto na hindi katulad ni Ramos na tatlong beses nang gustong abandonahin ang kanyang posisyon.

At sa kung sino ang magiging kapalit ni Dr. Banzon ay sinabi ni Usec. Valte na “None yet, from what I understand. In the meantime, there is also an appointment ban. So si Secretary (Enrique) Ona po will be acting temporarily as the OIC of PhilHealth.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply