Pagkuha ng ICC ipasa sa manufacturer ‘wag sa consumers – MRO

UMALMA ang samahang Motorcycle Riders Organization (MRO) sa ginawang pagsita ng mga awtoridad sa unang araw ng implementasyon ng Motorcycle Helmet Act na nagresulta sa pagkakasita sa 30 katao.

Hindi sa mga consumer kundi sa manufacturer ng mga helmet dapat ikarga ang pagkuha ng Import Commodity Clearance (ICC) sticker.

Binigyang diin ni Jobert Bolanos, chairman ng MRO kasunod nang pagsita simula kahapon sa mga rider na walang ICC sticker ang kanilang mga helmet.

Ayon kay Bolanos ang ICC sticker ay patunay lamang na hindi substandard ang helmet kaya ang responsibilidad sa paglalagay o pagdidikit nito ay nasa manufacturers o bago ito ilabas sa merkado.

Tiyak aniyang bibilhin ng consumer ang nasabing helmet kung may ICC sticker ito na proteksyon na rin ng mga rider.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply