Paglalagay ng logo, pangalan, etc., ipinagbawal ng Comelec

campaign-ad

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa darating na halalan na bawal na ang paglalagay ng pangalan, logo o inisyal ng mga kandidato sa lahat ng mga sasakyan na pag-aari ng gobyero sa pagsisimula ng campaign period.

“Names, images, logo and initials of candidates in government cars, ambulance, lamp posts, signage… will be treated as prohibited propaganda,”  ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Sinabi rin ni Brillantes na ipagbabawal din ang election propaganda sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, jeepney, taxi, pedicab at tricycle, gayundin sa mga terminal at airport.

Sakop din ng prohibisyon ang paglalagay ng election propaganda sa mga puno.

Ang campaign period sa national posts ay magsisimula sa Pebrero 12 habang Marso 29 naman sa local posts.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply