Paglilimita ng airtime sa political ads, inapela ng KBP

UMAPELA ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa Commission on Elections (Comelec) na baligtarin ang naunang desisyon na limitahan ang airtime para sa political advertisement sa panahon ng kampanya para sa May 13 polls.

Gayunman, hindi pinagbigyan ng Comelec ang apela ng KBP.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., nakatanggap sila ng liham mula sa KBP na nagpapahayag ng protesta sa bagong panuntunan ngunit may pansariling interes aniya ang KBP sa apela nito.

“KBP naman, in a sense, may self-interest yan eh. Hanapbuhay sa kanila yan including the big networks, hanapbuhay for everybody. There is a clear advantage, only a moneyed candidate can afford to go on a per network [basis],” ani Brillantes.

Iginiit rin namang muli ng Comelec na nanganganib na madiskuwalipika at maharap pa sa election offense ang sinumang lalampas sa itinatakda nilang airtime limits.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply