Paglilimita sa campaign ads umani ng reaksyon

campaign-ad

IBA’T IBANG reaksyon mula sa mga kongresista ang naging tugon sa utos ng Commission on Elections (Comelec) na limitahan ang online at broadcast campaign ads sa telebisyon at radyo ng mga tatakbong kandidato sa 2013 midterm election.

Maraming kongresista na nakatakdang tumakbo sa darating na halalan ngayong Mayo ay sang- ayon sa desisyon ng Comelec.

Agad sinuportahan ito nina Akbayan Partylist Rep. Walden Bello at Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy dahil sa paniwalang magiging patas na ang pangangampanya sa lahat ng mga kandidato.

Sinabi ni Herrera-Dy na dahil dito ay pantay na ang pangangampanya sa pagitan ng mga kandidatong may kakayahang mag- advertise sa media at sa mga kandidato na kulang sa pondo at walang gaanong resources.

Sumuporta rin sa kautusang ito ng Comelec ang senatoriable ng UNA na si Zambales Rep. Mitos Magsaysay na nagsabing bukod sa patas na ang kampanya ay magiging daan din ito para mangampanya ang mga kandidato sa grassroots level at makita mismo ng mga tao upang higit pang makilala ng taumbayan.

Subalit tinutulan naman ito ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe dahil hindi lubos na maipapaalam at maibibigay ang mga impormasyon at isyu ng bayan sa mga tao gamit ang media na pinakamadali at abot hanggang saan sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply