Paglilinaw ng Pag-IBIG tungkol sa kaso ng Globe Asiatique

hilda-online-logo

PAG-IBIG Fund Chief Executive Officer Atty. Darlene Marie Berberabe ay naging matagumpay sa pagsusulong ng mga programa para sa “Matuwid na Daan” ni Pangulong Aquino.

Nilinaw ni PAG-IBIG Fund CEO Atty. Darlene Marie Berberabe ukol sa mga balita at ulat na nagsasabing ang Makati City Regional Trial Court ay nagdeklara na ng kanyang pinal na pagpapatupad ng desisyon sa kasong sibil (civil case) na inihain ng Globe Asiatique laban sa Pag-Ibig Fund.

“Hanggang sa araw na ito (Disyembre 26) nararapat lamang naming matanggap ang kopya ng sinasabi nilang desisyon. Subalit ako ay mapipilitang linawin na anuman ang maging desisyon sa naturang kasong sibil (civil case) ay hindi makasasama o kaya ay hindi kailanman magiging (disadvantage) sa nauna nang inihain naming criminal case for syndicated estafa laban kay Delfin Lee at sa kanyang mga co-defendants” ayon pa sa Pag-Ibig CEO. Ang korte suprema (Supreme Court) ay nakapagbigay na ng kautusan na may kaugnayan laban kay Lee.

Ang court of appeals (CA) sa kanyang desisyon noong Abril 16, 2012 na sinulat ni Associate Justice Franchito N. Diamante ay nakapagbigay na rin ng kautusan na maliban sa kalalabasan sa resolusyon ng Makati Civil Case hindi ito magdudulot ng panghihina o pagkaalis ng anumang criminal liability na dapat harapin ni Delfin Lee at ng kanyang mga kasama.

Ayon sa ipinalabas na utos ng CA “kahit na mapagpasyahan man o hindi ng HDMF at mapilitan na tanggapin ang mga kapalit na buyers na iniaalok ng Globe  Asiatique (GA) ay matibay pa rin ang kasalanan ni Lee sa estafa charge laban sa kanya”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply