Paglilipat kay Puno sa DA suportado ng ilang solons

usec-puno

UMAPELA sa publiko ang ilang kongresista na magtiwala kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa planong paglilipat kay dating Department of the Interior and Local Government (DILG) undersecretary Rico Puno sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Compostella Valley Rep. Maria Carmen Zamora, makabubuting bigyan ng “free hand” si Pangulong Aquino upang iorganisa ang kanyang gabinete at pagkatiwalaan ang aksyon na ginagawa nito sa kanyang administrasyon.

Sinabi ni Zamora, na buo ang kanyang tiwala sa Pangulo dahil inaaral at tinitimbang naman nito ang lahat bago makalikha ng pinal na desisyon.

Ipinatanggol din ni Quezon City Rep. Winston Castelo si Puno. Ani Castelo, bagamat hindi popular si Puno dahil sa ilang akusasyon laban dito gaya ng kaso ng jueteng at pagkasawi ni dating DILG Sec. Jesse Robredo ay hindi naman ito napatunayan. Aniya, kuwalipikado pa rin naman si Puno para maupo sa anumang opisina ng gobyerno.

Marapat lamang aniya na bigyan ang Pangulo bilang Chief Executive ng bansa ng kalayaang ipatupad ang kanyang presidential powers sa pagtatalaga ng mga nais nito sa kanyang gabinete.

Nauna namang kinumpirma ni DA Secretary Proceso Alcala na mayroong naganap na usapan sa pagitan nila ni Pangulong Aquino sa posibleng paglilipat kay Puno sa nasabing ahensya.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply