Paglilipat ng detention sa mga akusado ng Aman Futures, pinag-aaralan ng DOJ

PINAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) kung kailangan pang ilipat ng kulungan ang mga sangkot sa Aman Futures pyramiding scam.

Kasunod ito ng kahilingan n opisyal ng Aman Futures Group Philippines sa Pagadian City Regional Trial Court na payagan ang mga ito na manatili sa NBI headquarters dahil na rin sa pangamba ng banta sa kanilang buhay.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, mas nanaisin ng mga sangkot sa naturang pyramiding scam na manatili na lamang sila sa detention cell ng NBI para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kaugnay nito, hindi naman kumontra sa nasabing apela ang kampo ng prosekusyon.

Kabilang sa mga nasa kustodiya ngayon ng NBI ay sina Fernando Luna, misis na si Nimfa, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez, Lurix Lopez, Lilian Lim Gan, Eduardo Lim at Dhurwin Wenceslao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply