Pagpapadeport kay Amalilio, magiging pahirapan

MAHIHIRAPAN ang Pilipinas na mapa-deport si Aman Futures Group President Manuel Amalilio dahil na rin sa kawalan ng extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, ayon sa isang international law expert.

Ayon kay Atty Harry Roque, dahil walang extradition treaty ay walang ligal na obligasyon ang Malaysian government na isuko si Amalilio.

“If there is no treaty, the sad reality is it would really depend on the good will of Malaysia because they will have no obligation whatsoever to comply with the request in the absence of that treaty,” pahayag ni Roque.

Una nang iginiit ng Pilipinas na isang Filipino citizen si Amalilio subalit mayroon din itong ginagamit na Malaysian name na  Mohammad Suffian Saaid.

Ani Roque kung mapapatunayan ni Amalilio na isa siyang Malaysian national ay lalong mawawalan ng obligasyon ang Malaysian authorities na ibigay ito sa ibang bansa bagkus ay lalo pa itong bibigyan ng proteksyon.

Sinabi ni Roque na kahit pa man mapatunayan na Malaysian national si Amalilio ay malaking tulong pa rin kung maryoong treaty subalit ibang usapin kung walang extradition treaty.

“If we do have that treaty, then we would have to make a proper request with the counterpart of Department of Justice (DOJ) in Malaysia and they will then be the one to fill the proper deportation proceeding before Malaysian court.In the absence of an extradition treaty: Let’s just hope Malaysia will nonetheless cooperate with us without the legal obligation to do so.”
pagtatapos pa ni Roque.

Sa panig ng DOJ sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-ugnayan ito sa kanilag counterpart para linawin ang usapin ukol sa pagpapa-deport kay Amalilio para mapasagot sa kasong syndicated estfa na isinampa dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply