Pagpapalisensya ng baril pinapalimitahan

PANAHON na upang limitahan ang bilang ng mga baril para sa mga indibidwal na magmamay ari nito.

Sinabi ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, na nauna na siyang naghain ng panukalang batas para sa mas mahigpit na pagbibigay ng lisensya ng armas sa isang indibidwal, at bukod sa dami ng bilang ay dapat ding malaman kung anong kalibre ng baril ang ibibigay sa gun owner.

Sa bersyon ng Kamara, reclusion perpetua ang parusa sa lalabag sa pagdadala ng mataas na uri ng armas.

Itinatakda rin ang limang klase ng lisensya ng baril para sa mga gun owners, una ay ang Class A na dalawang baril lang; Class B, lima; Class C, 10; Class D, 15 at Class E mahigit sa 15.

Ngunit ang hindi aniya naging malinaw ay kung sinong indibidwal ang papayagang magdala ng dalawa o 10 baril.

Kasabay nito, iginiit ni Biazon na dapat ng ipatupad ng mahigpit ang gun control law dahil maging si Maguindanao massacre suspect Andal Ampatuan, Jr ay mayroong 19 na rehistradong baril.

Umapela rin si Biazon sa Commission on Elections na maglagay ng guidelines sa paggamit ng police assistance ng local officials sa tuwing panahon ng eleksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply